Saturday, March 12, 2011

“ANG IKATLONG MENSAHE NG MAHAL NA BIRHEN NG FATIMA”

“ANG IKATLONG MENSAHE NG MAHAL NA BIRHEN NG FATIMA”

Pinahintulutan na ng Simbahan na gisingin ang mga tao tungkol sa mensahe ng Fatima. Ang Mahal na Birheng Maria ay nagpakita sa tatlong bata noong Oct. 13, 1917. Ito ay napatunayang totoo. Isa sa tatlong bata ay buhay pa hanggang ngayon, si Sister Lucia. Siya ngayo’y nakatira sa Portugal at isa na siyang madre (sumakabilang buhay noong Pebrero 13, 2005) Ibinigay ni Lucia ang mensahe kay Papa Pius XII. Nang basahin ng Papa ang mensahe siya’y nagitla sa kanyang nalaman. Itinago niya ito upang hindi na niya muling makita at hindi niya ipinalabas ang mensahe (itinagong sekreto). Ayaw ibunyag ng Vatican ang mensahe, sapagkat natatakot silang kung anu ang gawin ng mga tao, at ang kaguluhang magaganap bilang resulta ng pagbubunyag nito. Pagkamatay ni Papa John XXIII, ipinaalaala ng Vatican kay Papa Paul VI ang tungkol sa mensahe. Binasa ni Papa Paul VI ang mensahe, at siya rin ay masyadong nabahala sa mga nilalaman nito. Pinahintulutan niyang ipaalam sa mundo ang ilang bahagi o parte nito. Ito’y nangyari nong taong 1963-1964. Ginawa niya ito sapagkat umiigsi na ang panahon at sapagkat sinabi ng Mahal na Birheng Maria kay Lucia: “Humayo ka aking anak, at ipahayag mo sa mundo ang mga bagay na magaganap sa pagitan ng taong 1950-2000. Ang mga tao ay hindi na nakikinig sa mga kautusang ibinigay ng Panginoon sa atin. Ang demonyo ay naghahari sa mundo at ginawa niyang mamuhi ang mga tao sa isa’t-isa. Ang mga armas na kasalukuyang ginagawa ay makapupuksa sa buong mundo sa ilang minuto lamang. Ang kalahati ng sangkatauhan ay mapupuksa. Mabigat na panahon ang darating sa Simbahan. Ang kasamaan ay mamamayani sa mga tao at itatanim ng demonyo ang kanyang binhi upang hindi magkasundo ang isa’t-isa, at ang mga tao ay mawawalan ng pananalig.. Muling magsisimula ang giyera sa Roma at magkakaroon ng paglalaban-laban sa mga organisasyong pang-relihiyon. Ang mga mahihina at hindi mabubuti ay babagsak. Ipahihintulot ng Diyos ang LAMIG, USOK, TUBIG, ULAN NG YELO, APOY, GRABENG PANAHON, MATINDING TAG-LAMIG AT LINDOL na unti-unting sisira sa buhay dito sa mundo. Ang mga mamamatay ay iyong hindi naniniwala sa ating Panginoon. Sila ang mga taong nakasalalay ang buhay sa mga materyal na bagay at milyon-milyong tao ang mamamatay sa ilang segundo lamang. Sa mga taong makakaligtas ay nanaisin pa nilang sila ay nakasama na sa mga namatay. Ang klase ng mundong kakaharapin natin ay mahirap isalarawan ngunit siguradong parurusahan ng ating Panginoong Diyos iyong mga taong hindi siya gusto at hindi siya tinatanggap. Sa mga taong naniniwala at nananatiling tapat sa Panginoon, sila ay makakaligtas at higit pang mananalig sa Kanya. Tinatawagan ko ang lahat upang lumapit sa aking Anak. Panginoon tulungan mo ang daigdig at iyong mga taong ayaw makinig, sapagkat ito’y magiging pinakamasaklap sa kanila.”

Si Father Augustine na taga-Roma nang siya ay nasa Fatima ay nagsabi na pinahintulutan siya ng Papa Paulo na dalawin si Sister Lucia. Ang sabi niya, malugod niya akong tinatanggap at ang sinabi ni Sister Lucia: “Father, ang Mahal na Birheng Maria ay napakalungkot sapagkat walang sino man ang interesado sa mensahe Niya noong 1917. Ang mabubuti ay patuloy sa kanilang landas at hindi interesado sa mensaheng galing sa langit. Ang masasama ay patungo sa maluwag na daan ng kapahamakan. Paniwalaan ninyo ako Father, ang kaparusahan ay dagliang darating at maraming mawawalang kaluluwa at maraming bansa ang maglalaho sa mukha ng mundo. Sa pagitan ng lahat ng ito, kung ang sangkatauhan ay magbabalik na nagdarasal at maging mabuti, ang mundo ay maliligtas. Kung sila ay hindi magbabalik, ang mundo ay hindi maliligtas at marami ang masasawi ng habangbuhay. Dumating na ang panahon upang ang bawat isa ay umpisahan na ang magdasal, magsisi, magpakasakit at ipaabot ang mensaheng ito sa kanilang mga pamilya, mga kaibigan at sa buong mundo. Nalalapit na tayo sa mga huling araw bago maganap ang trahedyang ito (catastrophe). Dahil sa trahedyang ito, sila’y babalik sa nasasakupan ng Simbahang Katoliko. Ang Englatera, Russia, Tsina, Protestante at mga Hudyo, lahat sila’y sasamba at maniniwala sa Diyos, sa Panginoong Hesukristo at sa pinagpalang Birheng Maria. Maaaring sabihin ng mga tao na ang Papa at ang mga Obispo ay maghihintay pa rin sa mensahe para sa pagsisisi at panalangin. Sinasabi ko sa iyo bilang Ina ng Diyos, na magsimula na kayong magdasal at magpakasakit ngayon, ipagdasal ang pagbabalik loob ng mundo, sapagkat napakaikli na ng panahon.”

“ANO ANG NAGHIHINTAY SA ATIN”

Kahit saan ay magkakaroon ng usapang pangkapayaan at muling katiyakan, ngunit ang ating kaparusahan ay darating pa rin. Isang taong may malaking katungkulan ang papatayin (assassination) na siyang pag-uumpisahan ng pagsiklab ng digmaan. Isang hukbo ng malakas na puwersa ang papasok sa Europa at ang digmaang atomika (nuclear war) ay magsisimula. Ito ay sisira sa lahat ng bagay. Ang kadiliman ay bababa at babalot sa mundo ng 72 oras (tatlong araw) at ang ikatlong bahagdan (1/3) ng sangkatauhan na makaliligtas pagkatapos ng tatlong araw na kadiliman (72 oras) ay makakarating upang mamuhay sa isang bagong panahon (era) at sila’y mga mabubuting tao. Isang malamig na gabi, sampung minuto bago maghatinggabi, isang napakalakas na lindol ang yayanig sa buong mundo ng 8 oras. Ito ay pangatlong tanda na ang Diyos ang naghahari sa mundo. Ang mabubuti at ang nagpapalaganap ng mensaheng ito ay hindi dapat matakot.

“ANO ANG ATING GAGAWIN”

Lumuhod kayo at magdasal, humingi ng awa sa Diyos. Huwag magpapasok ng kahit sino man sa inyong tahanan. Ang mabubuti lamang ang hindi mapapasakamay ng demonyo at makakaligtas sa kapahamakan (catastrophe). Para kayo makapaghanda at manatiling buhay. Ibibigay ko sa inyong lahat ito, mga anak ko: Ang gabi ay napakalamig, ang hangin ay iihip at sa maigsing sandali ay mag-uumpisa ang pagyanig ng mundo. Sa inyong tahanan, ang lahat ng bintana ay isara at huwag makikipag-usap kanino man sa labas ng inyong tahanan maliban sa taong nasa loob ng inyong tahanan. Huwag tumingin kanino man sa nangyayari sa labas at huwag mag-usisa sapagkat ito ang galit ng ating Panginoon Diyos. Magsindi ng kandilang benditado sapagkat ang ibang klase ng ilawan ay hindi magsisindi sa loob ng tatlong araw na kadiliman. Lumuhod sa paanan ng Krus at manalangin:

Dasalin ang Rosaryo at pagkatapos ng bawat Aba Ginoong Maria ay dasalin ito: “Oh Diyos ko, patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, iligtas mo po kami sa apoy ng impierno, dalhin mo sa langit ang lahat ng kaluluwa, lalong-lalo na yaong totoong nangangailangan ng inyong awa. Maria, ipagsanggalang mo kami. Jesus at Maria, iniibig namin kayo! Iligtas ninyo kami at iligtas ninyo ang aming daigdig!

( Magdasal ng 5 Aba Po Santa Mariang Hari at 5 Sumasampalataya )

Ang Rosaryo ang lihim ng aking Kalinis-linisang Puso. Ito ay tatlong beses na inulit ng ating pinagpalang Birheng Maria. “Ninanais kong sa lahat ng naniniwala ay magsimba tuwing unang Sabado at unang Biyernes ng buwan, magkumpisal para makatulong sila sa ikaliligtas sa pagkawasak ng mundo. Muli kong ipinaaala-ala sa inyo, ang sino mang pakumbabang magdasal ng Rosaryo araw-araw ay bibigyan ng pananggalang mula sa langit at sa Pinagpalang Birheng Maria, sa panahon ng kaparusahan at sa oras ng kanilang kamatayan, sa ilalim ng pagkakandili ng Aking Pusong Ina, sila ay mamamatay ng mapayapa at papasok sa kabilang daigdig. Pagtumigil na ang pagyanig ng mundo, saka lamang kayo tumingin sa labas. Ang tubig (sa labas ng bahay), lahat ng bagay na nalantad sa labas na nagkaroon ng lason, HUWAG GAMITIN, KUNG HINDI AY MALALASON KAYO. Ang lahat ng hindi maniniwala at ayaw makinig ay mamamatay . Ang hangin ay magdadala ng gas na kakalat sa buong mundo. Sa ikatlong gabi, ang mundo ay titigil sa pagyanig at pipirmi na. Ang araw ay muling sisikat. Ang mga angel na magmumula sa langit ay babasbasan ang mundo para sa darating pang panahon. Sana mabuhay tayo sa trahedyang ito. Ito ay nakasalalay kung gaano tayo kabuti. Ang tao ay kinakailangang magdasal para magkaroon ng lugar sa langit, na iniwan ng mga bumagsak na angel. Dapat nating maunawaan kung bakit pinahintulutan itong mangyari ng Panginoong Diyos.

( Magdasal ng 3 Aba Ginoong Maria )

“Hayaang malaman ito ng lahat ng tao at maniwala sa Kanya.”

4 comments:

  1. My Lord Jesus Christ ikaw ang makapangyarihan sa lahat naninikluhod kami sa pamamagitan ng iyong mahal na Inang Birhen Maria iligtas mo kami sa lahat ng mga panganib at calamidad.

    ReplyDelete
  2. ito yung na recieved ng nanay ko na mensahe ng elementary pa ako..saktong sakto at tugma ng husto kasi na alala ko pa ng husto ito kasi nagbinigay namin lahat ang mensahi nito

    ReplyDelete
  3. Sakto nangyayari na nga sa panahon ngayon dasal lang talaga maghari at pananampalataya sa Diyos..manalangin tayo sa araw araw na sana wag na mangyari ang trahedyang eto. pero wala tayong magagawa kung anu man ang propesiya ang siyang magaganap. Mahal naming ina kaawaan mo ang sanlibutan patawarin mo ang aming kasalanan..

    ReplyDelete
  4. Ang mensahi sa mahal nga birhen Ang magdala Ang Santo papa Obispo at mga Pari bakit Hinde NILA nagawa ito?

    ReplyDelete